Natagpuan ni Nieves si Jake na walang malay at nag-aagaw buhay sa ilog kasama ang kaibigang si Mutya. Dinala nila ito sa kuweba sa ilalim ng talon upang gamutin. Itinago nilang pareho ng kaibigan ang tungkol sa binata dahil sa ayaw ng lolo at mga katribu niya ng taga-patag. Inalagaan nila ito hanggang sa magkamalay pero nagkaroon pala ito ng amnesia at hindi nito maalala ang sarili nito pati na rin ang nakaraan. Lumipas ang mga araw at unti-unti nang gumaling ang mga sugat at pasa nito pero unti-unti ring nahulog ang kanyang loob dito. Lalo na nang nagtapat ito sa kanya ng damdamin nito. Pero hindi niya pwedeng tugunin ang inialay na pag-ibig nito dahil sa siya'y nakatakda nang ikasal kay Baloy at lalong tumindi pa ang dagok sa kanilang pag-iibigan ng dumating ang isang matandang lalaking parehong may koneksyon sa kanilang pagkatao.